CHAPTER ONE
APRIL
"Paki kuha ako ng kape, bilis!" Utos ng bwisit kong amo. Nakakainis! Kanina pa niya ako inuutusan as in kanina pa. Hindi niya ako pinagpapahinga. Bwisit!
Araw araw siguro ay sama ng loob ang almusal niya. Ang aga aga ang init ng ulo. Gusto ko tuloy manakal.
Pagkainom niya ng kape ay nagulat ako nang iluwa niya 'to sa kukha ko. Napapikit na lang ako sa inis at sakit. Ang init!
"Lumayas ka na nga lang sa harap ko." Sabi pa niya. Lumayas naman agad ako sa harap niya at padabog na sinara ang pinto ng opisina nya. Pagkalabas ko sa opisina, as usual. Nakasilip na naman yung mga katrabaho ko.
"Huy April! Ayos ka lang ba?" Lumapit saakin si Jean, kaibigan ko.
"Mukha ba akong ayos?"
"Ay, tara nga dito gaga ka." Sambit niya saka ako hinila papunta sa silya niya. Inabutan naman niya ang ng tissue pang punas.
"Bwisit, magre-resign na talaga ako, argh! Di ko na kaya." Inis na sambit ko.
"Saan ka maghahanap ng panibagong trabaho kung magre-resign ka nga?" Tanong niya.
"Kahit saan basta hindi dito sa demonyong 'to bwisit siya, gustong gusto ko sya tirisin nakakagigil bwisit na ugali yan bwisit talaga bwisit! Bwisit ka Luxury Laxamana--" Naputol ako ang sasabihin ko at nanlaki ang mata nang biglang may nagsalita sa likod ko. Si Sir.
"Tapos ka na ba manggigil, Ms. Hart?" Dahan dahan akong lumingon at nakita ko siyang naka poker face lang. Ang cold.
"Ah eh, sir, bakit po ba?" Naiilang na tanong ko. Shit nakakahiya na nakakatakot. Nakatingin na din saamin ang mga katrabaho ko. Nang bigla naman tumingin sa kanila si Sir Lux nagsiiwas tingin naman ang mga ito.
"Go to my office now." Sabi niya bago tumalikod. Kinabahan ako bigla. Ito na ba? Katapusan ko na ba? Wait di pa ako handa.
Lumingon muna ako kay Jean bago sumunod kay Sir Lux. Pati siya mukhang kinakabahan. Tawagin ka ba naman ng demonyo na yun.
Pagkadating ko sa opisina ay sumalubong saakin ang sandamakmak na papeles. Ang dami.
Tumingin naman ako Sir Lux. Nakatingin ito sakin habang nakataas ang kilay, para bang sinasabi niya na 'May problema ka ba Ms. Hart?'.
"Tapusin mo yan. Kailangan bukas tapos na yan." Sabi nito at itunuro kinalampag ang mesa. Sakit sa tenga. Binilisan ko naman ang kilos ko at kinuha ang mga papeles at inilipat sa mesa ko.
Ilang oras na ang lumipas puro lang ako review at pirma ng mga ito. 7:00pm na. Shit nagugutom na ako pero hindi pa ako tapos. Hindi pa ako nakapag breakfast at lunch kanina.
Kanina pa umuwi si Jean, may family dinner daw kasi dumating yung kuya niyang galing abroad.
Gutom na gutom na talaga ako pero tinuloy ko na lang yung ginagawa ko kesa naman mapagalitan na naman ni satan in disguise.
Shit. Sinabayan pa ako ng antok ko. Bwisit na buhay 'to. Binilisan ko na lang hanggang sa matapos ako. Yes natapos din! Tumayo ako sa silya ko at nagunat-unat.
"Happy huh." Nakangiti akong humarap kay satan in disguise na akala mo proud dahil natapos ko lahat. "Here, meron pa. Kailangan na din yan bukas." Nawala ang ngiti ko nang banggitin niya yun. Putangina?
"Sir nama--" Aangal na sana ako kaso tinaasan na naman niya ako ng kilay. Shit. Fuck you, Lux.
Napabugtong hininga na lang ako at naupo ulit sa silya para matapos kaagad. 2 hours naman ang itinagal nun, mas kaunti naman kasi ito bukod sa kanina. Masyadong madami yun.
Finally! Tapos na. Niligpit ko na ang mga gamit ko at kinuha na din yung mga papeles para ilagay sa opisina ni Sir. Pagkapasok ko walang tao kaya inilapag ko na lang yun doon sa table.
Aalis na sana ako nang biglang may narinig akong ring. May tumatawag yata. Tinignan ko naman ang phone ko, hindi naman sakin, kaya hinanap ko yung tunog.
Phone ni Sir. Tinignan ko yung caller id.
Rue
Yun yung nakalagay. Sya siguro yung rumor na girlfriend ni Sir Lux. Nakita ko na siya e. Maganda tapos sexy. Medyo matangkad saakin ng kaunti. Naalala ko pinagkamalan niya akong janitor noong bumisita siya dito. bwisit na babaita.
"Anong ginagawa mo dito?" Muntik na ako mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot si Sir. Shit aatakihin yata ako nito.
"Ah, sir ayan na po lahat ng papeles na kailangan bukas." Sabi ko at tinuro ang mga papeles sa gilid niya.
"Makakaalis ka na." Sabi pa niya. Wala manlang thank you.
Umalis naman ako. 9:00pm na. Ang hirap makakita ng masasakyan pag ganitong oras. Bwisit naman oh. Malas nalang ako lagi.
Tumitingin-tingin ako bawat gilid ko nang may bumusina naman sa harap ko. Ang sakit sa tenga ha.
"Ano ba yan--" Naputol ako nang makita ang nasa harap ko ngayon.
Si Sir Lux.
"Pasok." Sabi nya pero sa harap nakatingin. Tumingin ito sakin nang mapansin na hindi ako gumagalaw. "Ayaw mo ba? Wala ka nang sasakyan oh, sinasayang mo ang oras ko." Taas kilay niyang sambit.
Sumakay naman agad ako sa passenger seat. At pinaandar naman niya agad.
Habang nasa byahe kami ang tahimik. Ang awkward. Teka. Alam ba niya condo ko?
"Sir, sa kaliwa po ang building ng condo ko tapos pakanan ulit then pakanan--" Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita na siya.
"Alam ko."
Napatingin naman ako sa kaniya. Paano naman nya nalaman? Shit nakakahiya. Ang daldal ko pala. Pero paano nga nya nalaman? Baka nakita lang niya ako.
Tumahimik naman ako saka timingin nalang sa labas. Ang ganda ng manila. Pangarap ko talaga tumira dito.
Nang makarating na kami ay bumaba naman agad ako. Mag t-thank you na sana ako pero umalis naman agad yung satan in disguise. Di ko manlang natapos yung thank you ko.
---------------------------------
Day off ko ngayon kaya naisipan ko mag mall. Inaya ko naman yung mga kaibigan ko pero mga busy. Si Astra naman ay inaantok pa daw dahil buong gabi sya nagtrabaho. Si Jean naman ay may hang over, naginuman pala sila ng mga pinsan nya. Si Cane may pasok. Kaya ako lang.
Nandito ako sa mall paikot ikot, wala naman akong matipuhan na bilhin kaya nagikot ikot na lang ako. Habang nag iikot-ikot ako ay may nakabunggo sakin mula sa likod. Kung hindi ako nagkakamali ay bata ito.
Omg umiiyak sya! Shit nawawala yata.
"Hi sorry, stop crying na. Nasan ba mommy or daddy mo?" Tanong ko at lumuhod naman ako para magkapantay kami. Ang cute nya haha. Pero she reminds me of someone. Basta.
"I-i can't see my yaya ate please help me." Iyak niya habang pinupunasan yung luha niya. Sabi na nawawala sya e. Tinignan ko siya wala naman syang dalang kahit ako kahit phone para emergency. Parang ang yaman ng bata na 'to, mamahalin yung damit. Prada ang brand ng suot nya.
"Wait, uhm, alam mo ba yung number ng yaya mo? Or what?" Tanong ko at umiling-iling naman sya. Paano ko hahanapin yung guardian nya eh ang dami daming tao dito sa mall.
"Lexinne!" Sigaw naman ng kung sino sa likod ko. Shit. Totoo ba 'to? Kaya pala pamilyar yung bata. Pero shit di pa din naman sure. Pero what if sya nga yung daddy nung bata na Lexinne ang pangalan?
"Daddy!" Yumakap naman agad ang bata sa tatay nga nya?!
"Sir Lux." Tawag ko. Yes si Sir nga! Anak nya? May anak sya? Bakit di ko alam?
"Ms. Hart. Thank you, we need to go." Nag thank you? Omg first time ko yun marinig. Aalis na sana sila nang tawagin ko pa sya.
"Sir, anak niyo po ba talaga?" Tanong ko. Hindi kasi ako makapaniwala. May anak sya tapos di ko alam.
"Yes." Sabi niya at umalis na. Naiwan ako nang nakatulala.
Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan agad si Jean. Baka sya alam niya na may anak si sir Lux. 2 months pa lang ako nag tatrabaho sa kompanya ni Sir kaya hindi ko masyado alam.
"Hello, Jean?"
"Inaantok pa ako, April kaya let me sleep."
"Wait, may anak ba si Sir Lux?"
"Si Sir? Ah oo, si Lexi, dinadala nya dati yun dati sa office, nakakalaro pa nga namin e, ang cute nya. Wait, bakit mo ba natanong?"
"Omg. May anak nga sya? Bakit di ko alam. Hays mukha tuloy akong tanga na gulat ma gulat kanina."
"Kanina? Bakit?"
"Nakita ko kasi yung bata, nawawala daw tapos ayun nahanap ni Sir."
"Ah, okay sige na inaantok pa ako bye."
Pinatay na nya yung tawag. Gosh di ko alam yun ha. Ngayon alam ko na.
Sino naman kaya yung nanay nun? Bakit ko ba to iniisip.
Pagkauwi ko ay naupo ako naman agad ako sa sofa. Nakakapagod. Bukas lingoo. Walang pasok. Ano kayang pwedeng gawin?
5:00pm na kaya nagluto na ako para mag dinner. Nagluto ako ng sinigang.
Pagkatapos ko naman kumain at maghugas ng pinggan ay nahiga na lang ako sa kwarto.
Nag ii-scroll lang ako sa twitter hanggang sa nagpagpasyahan kong istalk si Sir Lux sa Facebook.
Wala naman gaanong picture pero may nakita ako isang picture.
Picture ni Lexinne. I think mga 8 months old pa lang sya dito. Nasa kama sya at may nilarong laruan. Yung caption "My baby." Wow may pagka soft side din pala si Sir.
I stopped stalking him nang nag chat si Astra.
8pm, xylo tayo, birthday ng friend ng friend ko. Mag invite daw ako para madami. G ka?
Yan yung text. Tutal wala naman akong ginagawa ngayon kaya umoo na lang ako.
Nagsuot na lang ako ng black sleeveless dress para hindi mainit tapos shoulder bag para sa mga gamit ko. Paniguradong magkakasiksikan mamaya dahil sa xylo daw e.
Mga suki ng night club si Astra. Yes party girl yang babaeng yan. Syempre dahil nga magkaibigan kami lagi niya akong inaaya.
Susunduin daw nya ako para sabay na kami makarating dun. Dumating naman agad sya. At kasama din pala si Jean. Tingnan mo tong babaeng to, kaiinom lang kagabe inom na naman.
"Dali na gaga!" Sabi ni Jean na nasa backseat. Alam niya na ayaw ko sa backseat kaya nandon sya para sa passenger seat ako umupo.
"Sino ba nagimbita sayo dun?" Tanong ko.
"Edi si Kian, yung medyo kaibigan nung poging Lasalillian dati nung college tayo." Sabi ni Astra. Ah yung crush na crush niya na Vash yata yung name. Lalandi na naman to panigurado.
"Ikaw bakit ka sumama, Jean?" Tanong ko naman kay Jean na nag re-retouch pa. Nakasuot siya ng black jeans at white crop top. Favorite nya talaga ang jeans kaya siguro Jean ang name nya. Si Astra naman ay naka black sleeve dress na black yung sleeves ng suot nya ay see through.
"Bakit ayaw mo ba ako kasama ha?!" Pagbubunganga nya. "Nandon yung crush ko 'no! Remember si Mazon? Yung poging Atenean shit kinikilig ako!" Sabi pa nya. Lande!
Pagkatading namin marami na agad tao. Umorder naman agad si Astra ng maiinom. May mga nakausap na naman siya, ewan ko ba dito ang dami nyang kilala. Buong tao yata sa manila kilala nya.
"Girl ayun shit ayun yung crush ko since college!" Turo ni Jean. Nakita ko nga yung crush nya. Wow, may taste pala kahit papaano si Jean. Ang gwapo nga.
"Gaga ayun puntahan mo na!" Tulak ko sa kanya. Agad naman syang kumembot papunta dun sa boy. Harot talaga.
Ngayon ako lang magisa dito sa table namin dahil nawala na yung mga kaibigan ko.
Nakaka 6 na baso na yata ako kaya medyo tipsy na din. Nasaan na ba yung mga yun. Pumunta na lang ako sa gitna para makisayaw. May lumapit naman sakin. Hinawakan pa ang bewang ko at nakisayaw lang.
"What's your name?" Tanong nya. Actually binulong nya. Hindi kami magkakaintindihan kung hindi nya ibubulong syempre.
"Cole." Well, name ko din naman yan, second name. "You?"
"Luke." Wow. Cute ng name pero yung itsura nya parang red flag.
Napagod na din ako kakasayaw kaya napagpasyahan ko na bumalik na lang sa table namin pero bago pa ako makarating may humila sakin paupo sa isang upuan.
"5 seconds! 5 seconds! 5 seconds!" Sigaw ng mga tao. Shit oh, ngayon pa. Medyo nahihilo na ako dahil medyo madami na ang nainom ko. Tinignan ko naman yung makaka 5 seconds ko daw. Masyadong madilim at hindi ko makilala kung sino.
Wala pa silang sinasabi pero hinalikan ko na para matapos na. Hinawakan naman ng lalaki yung bewang ko and tapos! Tapos na yung 5 seconds.
"Oh wait miss! Hindi sya!" Sabi nung isa kaya naman nagtawanan yung mga tao dito sa table. Shit nagkamali ako ng hinalikan. Wtf April nakakahiya.
Tumayo naman ako bigla at pumunta sa banyo. Nasusuka ako. Sumuka naman ako sa banyo at nagmumug. Kumain din ng mint para naman mabango yung hininga ko. Nawala na din ang pagkahilo ko.
Pagkalabas ko ay nagulat ako nang makita ko si Sir Lux. Anong ginagawa nys dito?
"S-sir?" Tanong ko. Hinila naman niya ako palabas. Nakita ko namang nagtinginan saamin yung mga lalaki kanina. Wait.
Si Sir ba yung nahalikan ko?! Shit! Sya nga! Dahil nung tinignan ko yung table wala na yung lalaki, baka si Sir nga. Omg.
"Sir--"
"Lux. Call me Lux. We're not in the office, April." Sabi nya nang makarating kami sa parking lot. First time nya akong tawagin sa name ko. Kakaiba lang na sa kanya galing yun. Ewan, ang rare.
"Lux, bakit mo ba ako dinala dito?"
"You kissed me earlier." Diretsong sabi nya. Natahimik ako. Shit. Nakakahiya talaga. Ikaw na naman mahalikan mo boss mo.
"Uhm... sorry Sir i mean Lux but it was a mistake. i'm sorry talaga."
"Why sorry? We're at club and btw, i enjoyed it." Sabi nya tapos bumalik na sa loob. Wait?!?!
He enjoyed it?!?! Wtf?!
CHAPTER TWO
APRIL
Pagkatapos at pagkatapos sabihin yun ni Lux ay iniwan niya akong tulala sa parking lot, at kung hindi ako nagkakamali ay nakangisi siya. God. Ang gwapo.
Bumalik naman ako sa loob at nandon na din sa table yung nga kaibigan ko. Napagod na yata kakalandi.
"San ka galing?" Tanong ni Jean, mukhang hindi naman sya nakainom. Itong si Astra lang ang lasing na lasing na ngayon ay nakasandal na sa upuan.
"Dyan lang." Sagot ko dito.
"Anong dyan lang? Bakit magkasunod kayo ni Lux pumasok?" Pang eechos nya. Issue talaga ng babaeng to.
"Wala!" Tanggi ko.
"Wala daw? Ano nga dali mag talk ka na!" Pagpupumilit nya. Kaya ayon sinabi ko na. Tawang tawa naman si bruha sa nagawa kong katangahan. Naalala ko na naman, argh!
"Gago ka! Nakakahiya hahaha!" Sigaw nya. Kung hindi lang maingay dito mabibingi ka na sa tawa nya.
"Nakakahiya talaga tangina." Sabi ko at nilagok ang isang basong tequila. Magpapakalasing muna ako para kalimutan yung nangyaring kahihiyan kanina.
"He enjoyed it daw naman e!" Sabi ko.
"Gago? Totoo ba?"
"Oo, yun yung sinabi nya kanina sa labas." Sabi ko.
"Luh gago ka!" Kilig na sabi nya. Nanghahampas na e, malamang kinikilig na to.
"Eh kayo nung crush mo?" Tanong ko
"Nagmomol lang." Sabi nya.
"Sana all." Sabi ko.
Nawala na naman si Astra bwisit na babae yun. May kalandian na naman sa gilid.
"Ikaw na maghatid samin ha, o kaya sa condo ko tayo matulog." Sabi ko at nilagok ng tuloy tuloy yung alak.
"As always." Mataas kasi ang alcohol tolerance nya kaya sya lagi ang naghahatid samin ni Astra if lasing kami.
Nakailang baso na ako. Mahigit siyam na din. Hilong hilo na ako. Halos di na ako makatayo. Nagtiyaga akong tumayo at saka pumunta sa cr dahil nasusuka ako.
May humarang sakin. Shit. Nasusuka na ako di ko na kaya.
Boom.
Nasukahan ko kung sino man yung kumapit saakin dahil patumba na talaga ako.
Nakapikit ako habang siya naman ay nakatingin lang sakin. Siguro kung sober ako ay kanina pa ako natataranta dahil nasukahan ko sya pero hindi ko na kayang mataranta sa sitwasyon na to. Konting konti nalang babagsak na ako.
"Let's go, i'll take you home." Sabi nya saka ako hinila palabas.
"W-wait, my friends are still here."
"Tetext ko nalang si Jean." Sabi nya. Napangiti na lang ako ng wala sa huwisyo. Shit ang pogi pogi ni Lux.
Pagkarating namin sa parking lot sinakay niya ako sa passenger seat ng kotse nya. Sinuutan muna niya ako ng seatbelt. Hindi pa nya nasasara ang pinto nang magsalita ako.
"Lux, alam mo bang crush kita dati? Noong unang pasok ko?" Sabi ko tapos tumawa. Fuck alcohol.
Hindi naman sya nagsalita saka sumakay na sa driver seat. Bakit ang init naman yata? Naka dress naman ako pero ang init.
"Ang init ano ba yan." Sabi ko at pinaypayan ang aking sarili gamit ang kamay. Tatanggalin ko na sana yung buhol ng dress ko pero hinawakan ni Lux yung kamay ko.
"Fuck, what are you doing?"
"Ang init." Reklamo ko. I-on naman nya yung aircon kaya medyo naginwahaan na din ako.
"Lux, ang pogi pogi mo." Sabi ko habang nakatitig sa kanya. Tumingin naman sya sakin saka binalik ang mata sa daan.
"Feel ko crush na naman kita." Sabi ko at tumawa pa. "Pag wala lang sa office."
"Bakit pag wala lang sa office?" Tanong nya.
"Kasi ang init ng ulo mo dun lagi." Sagot ko. Totoo naman e. Pag nasa office sya, siya si satan in disguise kapag naman nasa labas ng office siya si crush Lux. I giggled while thinking that.
"Ang kulit mo." Sabi nya.
"Ang sungit mo." Sabi ko.
Pagkadating namin sa, wait... di naman to yung condo ko.
"Saan tayo?" Tanong ko pababa ng kotse.
"Condo ko." Sabi nya.
"Bakit?" Tanong ko pa. Bakit sa kanya?
"Tinext ako ni Jean, nasa kanya daw yung susi ng condo mo." Ay, binigay ko nga pala sa kanya kasi baka malasing kami.
Pumunta na kami sa condo nya. Nahihilo pa din ako kaya kinailangan pa nya akong alalayan.
Pagkadating namin sa room nya binitawan na nya ako sa kama. Argh sobrang lambot.
"You're a mess." Sabi nya habang nakatingin sakin.
"I'm your mess." Yan ang huli kong sinabi bago antukin at makatulog.
----------------------------
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. May naka one night stand ba ako? Shocks! I've never done that before 'no! I'm a virgin. Pero nasaan ba ako?
Tinignan ko naman ang suot ko, walang pinagbago, ganun pa din. May cr sa kwarto kaya pumunta naman agad ako don para mag ayos at umalis kaagad.
Nang matapos ako ay lumabas ako ng kwarto nang may maamoy ako. May nagluluto yata?
Sinilip ko kung sino. Kung may kinakain lang ako ay malamang nasamid na ako.
Si Sir Lux? Shit kaniya ba 'tong condo?
Lumapit naman ako sa kanya. Mukhang naramdaman nya kaya humarap sya. Ang gwapo nya. Naka apron sya.
"You're awake." Sabi nya saka binalik ang tingin sa niluluto nya. Sa lamesa merong egg, bacon and lasagna. Sanay pala sya magluto. Wow.
"Ah, sir aalis na po ako, thank you po and sorry sa abala." Paalam ko. Humarap naman sya at tinanggal yung apron.
"No, eat first."
No choice ako kaya sumunod na lang. Nagugutom na din naman ako.
"Sir, wala ba akong nabanggit na kahit ano sayo kagabi?" Tanong ko. Baka kasi may kung ano akong nabanggit na nakakahiya kagabi. Baka di ko kayanin ang kahihiyan.
"Yeah." Sabi nya. Meron nga?!? Shit.
"Like what?"
"You said you had a crush on me and you also said that i'm pogi and you said that you think you're having a crush on me, again." Fuck?
Natahimik ako. Ang honest naman nya. Pinagsisisihan ko tuloy na tinanong ko pa. Sobrang nakakahiya naman nun.
"Sorry--"
"Stop saying sorry and just eat." Sabi nya. Okay.
Pagkatapos ko kumain nagaway pa kami kung sino ang maghuhugas. Sabi ko naman ay ako na lang pero ayaw nga kaya ayun sya na lang.
Natapos na syang maghugas kaya sabi nya ihahatid daw nya ako sa condo ko. Tinignan ko na din yung phone ko at mga text lang ng mga kaibigan ko ang nandon.
Jean
Pinaubaya na kita kay sir Lux hahaha, good luck.
Tingnan mo tong babaeng to.
Astra
Iy twh,, anou gwgawib niyi sua xondp nf boas muom?
Lasing to panigurado.
Cane
Sabi ni Jean dinala ka daw ng boss mo sa condo nya? Ano nangyari? Ayos ka lang?
Sya lang ang matinong nag text.
Pagkarating ko sa condo ko nandon yung dalawang bruha. Si Astra nasa sofa nakahiga at si Jean nasa kwarto at komportableng komportableng nakahiga. Tinabihan ko sya.
"Nandito ka na pala."
"Ay hindi, hindi ako to, Jean." Pilosopong sabi ko. Binatukan naman nya ako.
"Bwisit ka! Ano na nangyari? May nangyari ba?" Tanong nya.
"Anong mangyayari? Tanga edi wala."
"Ay, mukha ka pang disappointed ha."
"Hindi ah. Wala talaga." Sabi ko.
Maaga pa naman nga 9:00am pa lang kaya natulog na lang ulit kami. Linggo ngayon kaya walang pasok.
------------------------------
Nagising ako nang may maamoy akong pagkain. Sakto nagugutom na ako.
Pagkalabas ko ng kwarto medyo madilim na pala. Nasa salas si Jean at nasa kusina naman si Astra, nagluluto.
"Tara na kain na tayo." Tawag niya nang matapos siya magluto.
Tinignan ko ang oras. 5:00pm na kaya kumain na din kami agad.
"May pasok na naman bukas. Makikita ko na naman yung satan in disguise." Inis na sambit ko. Nasa salas kami ngayon nanonood. "Dami ko palang nasabi sa kaniya na nakakahiya kagbi."
Tumawa naman yung dalawa. "Ano sabe mo?"
"Sinabi ko daw na nagkacrush ako sa kanya at sinabihan ko pa ng pogi!"
Lalong lumakas yung tawanan nila. Mga 7:00pm nang mapagpasyahan niya na umuwi na. May pasok pa bukas. Makikita ko na naman sya. Sigh.
CHAPTER THREE
APRIL
Ang ganda ng umaga ko. Feeling ko swerte ako ngayon. Well, sana nga. Baka sirain na naman ni satan in disguise ang araw ko.
Nasa elevator na ako papaakyat. Pagkapasok ko wala pa si Sir. Kaya nakipag chikahan muna ako kay Riva. Kaklase ko si Riva since highschool.
"Hoy, bat di ka sumama nung isang gabi?" Tanong ko kay Riva.
"Gaga, nandon ako, di mo lang ako nakita. Nakita kita." Sabi nya. Lumapit siya sa tenga ko. May ibubulong yata. "Hinila ka ni boss palabas." Sabi niya. Sinenyasan ko naman sya na wag maingay dahil baka echosin ako ng mga katrabaho ko.
"Nakita mo pati yung ano?" Tanong ko. Tumango naman sya habang tumatawa.
"Nandyan na si sir." Bulong nya at umayos ng upo.
Nakatalikod ako sa kaniya dahil ganoon ang ayos ng upuan namin. Napaharap ako nang may marinig akong boses ng bata.
"Hello po! Good morning." Bati nito. Humarap naman ako sa kanya. Nagulat ako nang tumakbo ito sakin. Nasa harap ko sya ngayon naka ngiti.
"Hello po, we meet again, Ate pretty." Napatulala ako sa sabi nya. Napatingin naman ako kay sir na nakatingin lang.
"She wants to meet you." Sabi ni sir. What? Why? Wait, baka di ako makapag pigil at mapisil ko yung pisnge nung bata. Shit, ang cute.
Ngumiti naman ako. "Hello, my name is April." Sabi ko at saka siya inalok ng shake hands.
"I'm Lexinne po." Sabi nya at tinanggap iyon. Ang cute cute!
"How old are you?"
"I'm 6!" Masiglang sabi nya. Nakatingin tuloy yun mga katrabaho ko. Mukhang nagtataka sila kung anong nangyayari.
"Let's go." Sabi ni sir kaya kumaway ako kay Lexinne. Nakakadalawang hakbang pa lang si sir nang lungunin nya ako. "I said let's go."
Ay kasama pala ako.
Pagkapasok namin sa office hinila agad ako ni Lexinne papunta ng sofa. Mayroon syang bagpack at may kinuha sa loob nun.
Camera.
"You like photography?" Tanong ko.
"Yes po." Tango niya. "Look po oh." Sabi niya at pinakita ang picture ni Sir. Gagi ang pogi. Naka ngiti sya tapos labas yung dimples huhu.
"O-oh, you're good."
"Diba po daddy is so pogi, Tita April?" Tanong niya na ikinagulat ko. Napatingin din dito sa gawi namin si Sir. Feel ko nag b-blush na ako ngayon.
"Ah, y-yes?"
"Yes? You're not sure? You called me pogi last last night." Sabat ni Sir. Nakalimutan niya yata na may bata. Pinanglakihan ko sya ng mata. Ngumisi lang sya. Gwapo talaga. Feeling ko nagiging crush ko na naman sya.
Pansin ko din na parang ang ganda ng araw nya? Kasi kung hindi, nagsisisigaw na sya kanina pa o kaya nakakunot ang noo. Pero ngayon medyo naka smile sya. Nakakapanibago.
"You know what tita April, when i first saw you po sa mall, i was shocked because you're so pretty, i thought you're a fairy." Sabi ni Lexinne and giggled. "But di po kita makausap because i'm too nervous." Sabi pa niya. Nakatingin sya sakin ngayon. Napaka straight forward ng bata na 'to.
"Me? Do i?" I giggled and pinched her cheeks. She look like her dad. May dimples din and pag numingiti nawawala yung mata.
Nilaro laro ko lang sya hanggang sa mag lunch na. Kasama ko sila Riva at Jean. Nasa McDo kami. Dito kami madalas kumain since college.
"Nakita ko nag smile si Sir kanina." Sabi ko habang nakangiti.
"Tanga, lagi naman siyang naka smile dati nung college, remember blockmates ko siya? Minsan may may ka text minsan may ka tawagan." Sabi ni Riva. Sinenyasan niya kaming lumapit kaya lumapit kami. "Sila pa kasi nung ex niya nun." Bulong niya.
Ex? Yung Rue ba?
"Ex? Si ma'am Rue?" Tanong ni Jean.
"Oo, ang healthy ng relationship nila nun. Ang saya nila. Ewan ko kung anong nangyari."
So, siya nga.
"Siya yung nanay ni Lexinne?" Tanong ko.
"Oo malang, alam mo ba real name ni Lexinne?" Umiling ko. "Ruesha Lexinne Colin Laxamana, yes nanay niya si Rue Colin."
"Pero bakit pag nasa office si Ma'am Rue parang ayaw ni Sir na nandon sya?" Tanong ni Jean habang patagong dumudukot sa nuggets ko. Tingnan mo tong babaeng to.
"Ewan."
"Ikaw, ang dami mong alam ha." Sabi ko. She just shrugged.
Tumunog ang phone ko. Nagtext si Cane.
Cane
May naka 5 seconds ka daw noong isang gabi?
Yan yung text.
You
Ha? Paano mo nalaman?
Cane
Di na mahalaga yun. So ano? Magaling ba?
Parang sira naman oh.
You
Huy, gago!
Cane
Ano nga?
You
Oo.
You
Pero mas magaling ka.
Totoo yan, naka 5 seconds ko na si Cane. Nung college, diyan ko nga siya nakilala eh.
Cane
Good :).
Ano ako aso?
"Hoy, ano nginingiti mo?" Tanong ni Jean. Sisilip pa sana sa phone ko pero tinago ko na.
"Wala!" Halata namang hindi sila naniwala pero umoo na lang.
"Ikaw Riva, kamusta kayo nung crush mong red flag?" Pagiiba ko ng usapan.
"Si Keigan? Ghinost ko lang naman." Sabi niya sabay flip hair.
"Ha? Gago bakit, sayang yun!"
"Nakita ko siya may kahalikan last week sa BGC." Sabi niya. Ayun nag rant na naman si gaga. Akala mo may label.
Natapos ang lunch kaya bumalik na kami sa office. Pagkabalik ko sa office wala si Sir. natutulog naman sa sofa si Lexinne. Napagod yata kakalaro.
Papalabas na sana ako nang may marinig akong ingay sa labas. Mukhang papasok dito sa office.
"Naks naman pare, dati ikaw yung nangoghost ngayon ikaw na yung ghinost? Kakaiba yang babaeng yan."
Isa yan sa narinig ko. Lalabas na sana ako nang pumasok na sila.
Napatulala ako. Shit.
Sila yun!
Yung mga lalaki nung isang gabi.
"Ooh!" Bakit nandito yung crush ni Jean?
"Uy miss ikaw?" Nandito din yung Keigan na ghinost ni Riva. Wtf?
"Dito ka pala nagtatrabaho?" Tanong ni Vash, yes kilala ko sya pero di kami close.
Ay hindi, sa kabilang kumpanya ako nagtatrabaho.
"Malamang?" Sagot ko.
"Huwag nga kayong maingay, nakita niyong natutulog yung anak ko." Sabi ni Sir. Wow ang sweet naman.
Lumabas kaming lahat at pumunta ng balcony. Inaya naman nila ako kaya sumama na din ako.
"I'm Keigan." Pagpapakilala nung isa.
"I'm Sean, Sean Lumia. Hindi Lumpia." Sabi pa nung isang medyo long hair. Natawa naman ako.
"Hi, my name is Mazon." Kinindatan pa ako. What a flirt.
"I'm Kenly." Sabi nung isa pang nakatingin lang sa'kin.
"I'm Jiro." Simpleng sagot nung isa. Parang ang tahimik yata. Pero ang pogi. Familiar din sya.
"Ako si to si Natoy, na mahal na mahal ka." Sabi ni Vash. Binatukan naman siya ni Lux kaya natawa sila. "Joke lang, I'm Vash. Kilala mo na ako diba, April?"
"April name mo? Hulaan ko April birthday mo?" Tanong nung Mazon.
"Tanga! Malamang, April nga diba." Sabi ni Sean. Barkada ba 'to ni Sir? Bakit parang ang layo ng ugali niya sa mga ito? Baka nga tama si Riva, masiyahin dati si Sir.
Pagkatapos nun, nagising si Lexinne. Nasa harap namin siya ngayon nagkukusot ng mata.
"You're awake, my baby come here." Si Sir Lux nag b-baby talk? Sabi na para kay Lexinne lang yung soft side nya eh.
"Hello, my byutipol gorjuice inaanak." Sabi ni Vash. Kinuha niya si Lexinne kay Sir.
"Sir, mauna na po ako." Sabi ko at tumango naman siya.
Sabi na kaya familiar sakin yung Jiro. Siya yung famous ambassador ng Louis Vuitton. Gosh ang pogi sa personal. Buti na lang nakalayo na ako sa kanila bago ko ma realize. Baka kung hindi magtitili na ako dun. Pero kinikilig pa din ako.
Para akong bulate na inasinan habang naglalakad.
Crush ko kaya yun.
-------------------------------
6:00pm na nang matapos ang trabaho. Sabi ni Cane mag meet daw kami kasi it-treat niya ako ng dinner. Pumayag naman ako.
Sinundo si Lexinne ng isang babae. Di ko kilala. Kasambahay yata nila dahil tawag sa kaniya ni Sir ay manang.
Si Sir mamaya na daw uuwi dahil may tatapusin pa.
Nasa labas na ako ng building.
I felt lonely. For 7 years without my parents, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Dati sinasabi ko sa sarili ko na i'll be okay kasi hindi naman talaga nila ako iniwan. They're guiding me from a far.
They died in a car accident when i was 17. I was in school nung nga panahon na yun. Bigla nalang pumunta sa school yung tita ko and sinabi niya na, dead on arrival si daddy. And my mom... lumaban siya, pero hindi niya din kinaya. I can't do something that time puro lang iyak. I'm blaming my brother because i think he is the reason why they died.
Ang sabi ng yaya namin. Narinig niya daw na may pinagtatalugan sila Mom and Dad tapos si Kuya. Lumabas daw si kuya and umalis. My parents chased him. And that accident happened.
Simula nun, my brother lived in New York. Wala na akong balita sa kaniya. Madalas niya akong akong pinapadalhan ng pera pero binabalik ko lang sa kaniya yun.
Napabalikwas ako nang may bumusina sa harap ko. Bakit ba ako laging binubusinahan.
"Pasok na."
Si Cane pala.
Pumasok naman ako sa passenger seat at nagsuot ng seatbelt.
"Saan tayo kakain?" Tanong ko.
"Spiral buffet." Wow. Ang susyal naman.
"May ano?"
"Wala, i just missed you, okay? Kagagaling ko lang ng LA last month. Ikaw ha, ayaw mo ba akong kasama?"
"Hoy hindi ah, nagtatanong lang eh." Pagkarating namin dun sa restaurant. Ang bongga. Buffet eh.
Napupo kami sa gilid dahil ayaw ko sa gitna. Masyadong nakakailang.
Umupo na kami at umorder na. Wala pa yung order namin kaya nag usap muna kami about sa nangyari dun sa trip to LA nya. It was fun naman daw.
"Omg, Cane?" Napalingon naman ako sa nagsalita. Napanganga ako nang makita kung sino ang kasama nya.
Si Lux.


